25-089 Tugon sa mga Insidenteng may Kinalaman sa Federal Civil Immigration Enforcement

Department Notice

San Francisco Police Department

This document is not an official representation of the published policy. To access the official signed policy, please contact us at [email protected].

Document ID
25-089
Published: 
Expire: 

Ang Pagpapaunawang ito ng Departamento ay nagbibigay gabay sa mga Miyembro na maaaring makaranas ng mga sitwasyon na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga pederal na batas sibil sa imigrasyon (federal civil immigration enforcement). Binibigyang diin nito ang halaga ng patuloy na pagtupad sa California Law (Government Code § 7284 et seq.), sa mga batas sa Santuwaryo (Sanctuary Law) ng San Francisco (S.F. Administrative Code 12H at 12I), at ang pangunahing layunin ng Departamento na siguruhin ang kaligtasan ng lahat nang nasa San Francisco. Nananatiling matatag ang Departamento sa ating pagsisikap na lalong mapangalagaan ang tiwala, pag galang at pakikipagtalakayan sa lahat nang sa gayon ay mapanatiling ligtas ang ating Lungsod.

Sa lahat ng mga pagkakataon, inaasahan na ang mga Miyembro ay mananatiling propesyonal at sumusunod sa mga DGO at mga panuntunan ng Departamento. Maliban na lang kung pinapahintulutan ng angkop na batas, ang mga Miyembro ay hindi pinahihintulutang tumulong sa pagpapatupad ng mga pederal na batas sa imigrasyon (federal immigration laws). Ang ganitong pamamaraan ay nagsusulong ng kapaligiran na kung saan lahat ng mga miyembro ng komunidad ay panatag ang loob sa pakikipag ugnayan sa mga lokal na awtoridad, na lalong nagpapabuti ng pangkalahatang pampublikong kaligtasan at pakikipagsamahan natin sa komunidad.

Tugon sa mga Pagtawag para sa mga Serbisyo

Ang mga Miyembro ay maaaring papuntahin sa mga pag tawag para sa kanilang serbisyo kaugnay ng mga insidente na sa kinalaunan ay malalaman na lang na isa palang pagpapatupad ng batas pederal sa imigrasyon (federal immigration enforcement). Halimbawa ng mga insidenteng nabanggit ay maaaring kabilang ang, subalit hindi lang limitado sa, mga ulat ukol sa posibleng pagkadukot ng tao (kidnapping), mga kahinahinalang tao, mga indibiduwal na ayaw mag pakilala ng sarili, o mga tensiyon sa pagitan ng mga alagad ng batas at publiko. Sa pag tugon sa mga pag tawag na maaaring kasangkutan ng pagpapatupad ng batas pederal sa imigrasyon, ang mga Miyembro ay inaasahang tutugon sa makatarungan, bukas at walang pagkukubling (transparent) pamamaraan, at pagkilos na walang kinikilingan para panatiliin ang katahimikan at tiyakin ang pampublikong kaligtasan.

Tungkulin ng mga Miyembro

  • Ang mga Miyembro ay hindi makikipagtulungan o tutulong sa mga pederal na awtoridad, kasama na ang ICE/CBP, sa anumang gawain tungkol sa imbestigasyon pagdeditina, o proseso ng pagdadakip na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga pederal na batas Sibil sa imigrasyon.
  • Ang mga Miyembro ay hindi makikialam o hahadlangan ang pagpapatupad ng naaayon na batas pederal sa imigrasyon.
  • Ang mga Miyembro ay susunod sa lahat ng mga tuntunin ng Departamento, pati na ang DGO 5.15 Enforcement of Immigration Laws. Ang mga Miyembro ay kinakailangang panatilihin ang kanilang pagiging hiwalay sa mga pagpapatupad ng pederal na batas sibil sa imigrasyon at gagawa lang ng mga pagkilos na kinakailangan para mapangalagaan ang buhay at ari-arian. Maaaring kasama na dito ang pagbibigay tulong, pagtutugon sa mga kriminal na gawain, patuloy na pagsusubaybay at pag aaral sa mga kaganapan, pagpapanatili ng agwat o distansiya, pagmamando sa pagdaloy ng mga sasakyan, pagpapahinahon o pakikipag-usap sa publiko.
  • Alinsunod sa tuntunin ng Departamento, titiyakin ng Miyembro na ang mga kamerang suot sa kanilang katawan (BWC - body worn camera) ay gumagana kapag ito kinailangan, at kung naaangkop, gawan ng dokumentasyon ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pag uulat ng insidente (incident report).
  • Kung sakaling maka tagpo ang mga Miyembro ng mga indibiduwal na hindi agarang makikila bilang mga ahenteng pederal ng pamahalaan, ang mga Miyembro ay dapat, kapag ligtas at praktikal na magagawa, ay magsikap na ma-verify ang mga kredensiyal (credentials) ng mga taong nasa eksena sa lugar, kung sino ang tumatayong punong pederal na ahente (federal lead-agent), superbisor, o ahenteng namamahala (agent in charge), at sikaping makunan ang proseso ng pagpapatunay (verification process) gamit ang kanilang mga kamerang suot sa katawan (BWC – body worn camera).

Tungkulin ng mga Superbisor

Para tiyakin ang nararapat o tamang pangangasiwa at angkop na pagtugon sa mga insidente, pupuntahan ng mga superbisor bilang pagtugon ang mga pagtawag para sa serbisyo na maaaring may kinasasangkutang pagpapatupad ng pederal na batas sibil sa imigrasyon (federal civil immigration enforcement) o kung ito ay hiniling ng isang Miyembro.

  • Kung kinakailangan, dapat na sikapin ng mga superbisor na alamin at tiyakin ang mga pagkakakilanlan (verify credentials) ng mga pederal na pinunong ahente, superbisor, o ahenteng tagapamahala o nangangasiwa at namumuno na nasa lugar (on-scene).
  • Titiyakin ng mga superbisor na lahat ng mga Miyembro ng Departamento ay tumutupad sa DGO 5.15 Enforcement of Immigration Laws, sa mga tuntunin at pamamalakad ng Departamento at magsagawa ng kaukulang aksyon laban sa kriminal na pagkilos at gumawa ng kaukulang hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
  • Dapat bigyan ng mga Superbisor ang kanilang SFPD platoon commander ng mga pinakabagong ulat sa mga kasalukuyang mga pangyayari sa situwasyon.

Mapanlinlang na Pagpapangap bilang Alagad ng batas (Peace Officer) o Pederal na Opisyal (Federal Officer)

Maaaring matawagan ang mga Miyembro na tugunan ang mga ulat tungkol sa mga indibiduwal na nagpapangap na mga alagad ng batas (peace officers), pederal na opisyal (federal officers) o mga kawani ng pederal na pamahalaan, na maaaring magbunga ng criminal na paglabag sa batas (criminal offense – California Penal Code section 538d or 18 USC § 912). Ang mga Miyembro ay autorisadong magsagawa ng mga pag kilos sa pagpapatupad kung mapapagpasyahan nila na ang isang tao ay nagpapangap bilang alagad ng batas, kawani o opisyal ng pederal na pamahalaan, na kung saan ang mga nasabing gawain ay maaaring magbunsod sa pagdedetina at pagkakadakip.

Komunikasyon sa Publiko

Dapat na malinaw ang komunikasyon ang mga Miyembro sa publiko, gawing palagay ang kanilang kalooban na hindi sumasali ang SFPD sa mga pagpapatupad ng mga batas sibil para sa imigrasyon (civil immigration enforcement) at ang dahilan kung bakit tayo ay nasa eksena ay para lamang mapanatili ang pampublikong kaligtasan. Kung kinakailangan, ang mga Miyembro ay dapat na ipasa at ituro ang mga karagdagang katanungan sa ICE/CBP.

Kahilingan ng Tulong para sa mga Emergency mula sa ICE/CBP (DGO 5.15.03)

Ang mga Miyembro ay maaaring magbigay ng tulong sa ICE/CBP sa panahon ng mga emergency sa antas na katulad ng pagtugon ng mga Miyembro sa anumang emergency para pangalagaan ang buhay at ari-arian na binalangkas sa ilalim ng DGO 5.15 Enforcement of Immigration Laws.

  • Bilang halimbawa, 10-25, Code 3, tumugon bilang back-up; at 406, emergency, may alagad na nangangailangan ng tulong. Kadalasan, ang mga ganitong klaseng pagtawag ay nangangailangan ng emergency na pagtugon.

Tungkulin ng mga Alagad

Ang mga Miyembrong naghahatid ng emergency na pagtugon sa ICE/CBP ay agarang ipaparating ito sa kanilang superbisor at magsasagawa ng ulat tungkol sa insidente (incident report) na nagsasalaysay ng mga dahilan ng kanilang pagtulong. Para sa karagdagang impormasyon, tunghayan ang DGO 5.15 Enforcement of Immigration Laws.

Tungkulin ng mga Superbisor

Kapag napagtanto ng superbisor na ang isang Miyembro ay maghahatid ng emergency na pagtugon sa ICE/CBP, ang superbisor ay agarang pupunta sa lokasyon at titiyakin na ang nasabing pagtulong ay nauukol at alinsunod sa mga alituntunin ng Departamento.

/s/
PAUL YEP
Interim Chief of Police


Ayon sa DN 23-152, lahat ng pinanumpa at hindi pinanumpang (sworn & non-sworn) mga Miyembro ay ipapahiwatig ang kanilang pagtanggap, pag unawa at pagkilala sa elektronikong pamamaraan (electronically acknowledge) nitong nasabing dokumento ng Departamento gamit ang PowerDMS sa loob ng tatlumpong (30) araw (na may pasok) matapos ito ay inilabas. Ang mga Miyembro na may mga tungkulin na may kaugnayan sa dokumentong ito ay pananagutin sa kanilang hindi pagtupad dito. Anumang mga katanungan patungkol sa tuntunin ay dapat ipadala sa [email protected] na kung saan sila ay magbibigyan ng karagdagang impornasyon.