Kahilingan para sa Ulat ng Insidente

Ipadala ang kahilingan sa mail sa:
San Francisco Police Department
Report Management Section
1245 3rd Street, San Francisco, CA 94158-2102

O mag-email sa:
[email protected]

Walang legal na kinakailangan para punan ang form na ito sa kabuuan nito. Gayunpaman, may karapatan ang ilang indibidwal na makatanggap ng higit pang impormasyon alinsunod sa Kodigo ng Pamahalaan ng California § 6254 (f). Maaaring makatulong ang karagdagang impormasyong iyong ibibigay sa Departamento para matukoy ang dami ng impormasyong ibinigay sa iyo.

SEKSYON 1

Uri ng Insidente (mag-tsek ng isa):

SEKSYON 2

Kinakailangan ang pagkakakilanlan:

  • Anumang kasalukuyang pagkakakilanlan kabilang ang, balidong na lisensya sa pagmamaneho, ID card sa Lungsod ng SF, ID card na ibinigay ng estado, o pasaporte.
  • Dapat ding magpakita ang tagapangalaga ng kopya ng kanyang mga liham ng pangangalaga.
  • Dapat magpakita ng ID ang abogado para sa biktima at nakasulat na patunay na siya ang abogado para sa biktima.
  • Dapat magpakita ng ID ang tagapagpanatili ng biktima at kopya ng kanyang mga liham ng pagiging tagapagpanatili.
  • Dapat magpakita ng ID at nakasulat na awtorisasyon na nilagdaan ng biktima ang personal na kinatawan (magulang, tagapangalaga, nasa hustong gulang na anak o kapatid na nasa hustong gulang) ng biktima, kung buhay ang biktima at hindi sumasailalim sa pagpapanatili.
  • Dapat magpakita ang kinatawan ng biktima na namatay, ng sertipikadong kopya ng sertipikasyon ng kamatayan o iba pang hustong ebidensya ng pagkamatay ng biktima sa oras na ginawa ang kahilingan.
  • Kung hindi makapagbigay ng ID na may sariling larawan ang biktima sa oras ng kahilingan, ang Departamento, sa sarili nitong pagpapasya, ay maaaring magbigay sa biktima ng kopya ng ulat ng insidente kung makakapagbigay sila ng iba pang hustong ebidensya ng kanilang pagkakakilanlan.

SEKSYON 3