Kahilingan para sa Ulat ng Insidente: Kodigo ng Pamilya § 6228

(Karahasan sa Tahanan, Sekswal na Pag-atake, Pag-stalk, Pangangalakal ng Tao, o Pang-aabuso sa Nakatatanda o Dependent na Nasa Hustong Gulang)

Hilingin sa:
San Francisco Police Department
Records Management Section
1245 3rd Street, San Francisco, CA 94158-2102
[email protected]

Sa ilalim ng Kodigo ng Pamilya § 6228 ng CA, ang mga ulat ng insidente na hiniling ng isang biktima o ng kanyang kinatawan para sa mga hinihinalang krimen ng karahasan sa tahanan, sekswal na pag-atake, pag-stalk, pangangalakal ng tao, at pang-aabuso sa nakatatanda o dependente na nasa hustong gulang ay may karapatang makatanggap ng mga kopya sa loob ng limang araw ng trabaho pagkatapos hilingin, maliban kung may magandang dahilan para sa pagkaantala. Kung may magandang dahilan, dapat ibigay ang mga ulat nang hindi lalampas sa sampung araw ng trabaho pagkatapos magawa ang kahilingan.

SEKSYON 1

Uri ng Insidente (mag-tsek ng isa):

SEKSYON 2

Kinakailangan ang pagkakakilanlan:

  • Anumang kasalukuyang pagkakakilanlan kabilang ang, balidong na lisensya sa pagmamaneho, ID card sa Lungsod ng SF, ID card na ibinigay ng estado, o pasaporte.
  • Dapat ding magpakita ang tagapangalaga ng kopya ng kanyang mga liham ng pangangalaga.
  • Dapat magpakita ng ID ang abogado para sa biktima at nakasulat na patunay na siya ang abogado para sa biktima.
  • Dapat magpakita ng ID ang tagapagpanatili ng biktima at kopya ng kanyang mga liham ng pagiging tagapagpanatili.
  • Dapat magpakita ng ID at nakasulat na awtorisasyon na nilagdaan ng biktima ang personal na kinatawan (magulang, tagapangalaga, nasa hustong gulang na anak o kapatid na nasa hustong gulang) ng biktima, kung buhay ang biktima at hindi sumasailalim sa pagpapanatili.
  • Dapat magpakita ang kinatawan ng biktima na namatay, ng sertipikadong kopya ng sertipikasyon ng kamatayan o iba pang hustong ebidensya ng pagkamatay ng biktima sa oras na ginawa ang kahilingan.
  • Kung hindi makapagbigay ng ID na may sariling larawan ang biktima sa oras ng kahilingan, ang Departamento, sa sarili nitong pagpapasya, ay maaaring magbigay sa biktima ng kopya ng ulat ng insidente kung makakapagbigay sila ng iba pang hustong ebidensya ng kanilang pagkakakilanlan.

SEKSYON 3